Ang bilis ng takbo ng buhay ang daming gustong matapos, hindi na sapat ang oras. Laging kulang, pero kulang nga ba talaga ang oras? Yung mga bagay na gusto kong gawin yun ba dapat ang ginagawa ko? Nakakalito, masasabi ko na sa ngayun nandito ako sa parte ng buhay ko na binubuo ko ulet ang sarili ko (yun nga ba ang tawag dun?) Ah! basta nandito ako sa "stage" na "I'm trying to find myself again" parang build myself again.
Madami akong gustong ma-improve sa sarili ko, sa work, sa relationship ko sa pamilya ko, sa mga friends ko, sa mga kapatid ko sa Iglesia. Gusto ko maging maayos ang business na papasukin ko, makapag-save ng konting money for the future. Medyo magulo pa ang lahat pero....
If there is one thing na I'm sure of I wanted to have time to serve God. Sana loobin na magkaroon ako ng enough time para sa Kanya, I dont want my life to end na hindi man lang ako nakapag silbi sa Kanya ng tama, yung time na mayroon ako gusto ko mabigay ko yun sa Kanya na pinag-kakautangan ko ng lakas at talino na nasa akin ngayun.